Maraming taon na rin pala. Sampung taon na pala yun...
Mga ilang araw na nakalipas lang sa bahay ng isang kaibigan kong pilipina dito, nagkapulong ang munting barkada. Matagal na rin silang nakatira dito sa banyagang bansa. Sa gitna ng katuwaan, naghamon ang isa, "Kabisado nyo pa ba ang Panatang Makabayan?"
Dalawa hanggang tatlong linya lang ata ang nakaya naming ma-alala. Eh ikaw kaya? Sige nga subukan mong sabihin ng buo ang Panatang Makabayan ngayon.
Ako aaminin ko, medyo nahiya ako sa sarili noong mga oras na iyon na hindi ko na kabisado. Mas makabayan ka pa kaya sa akin sa tingin mo? Subukan mo nga ulit sabihin ang nasabing panata. Sana ay makumpleto mo na...
Biruin mo, paano kong nalimutan ang lagi nating binibigkas mula Elementary hanggang sa matapos ang Highschool? At ngayon ngang gusto kong muling ma-alala ang buong panata, lalo kong na-appreciate ang bawat salita na inilagay doon. Mas makahulugan at madamdamin na sya ngayon para sa akin, ewan ko ba...
Ngayon sa aking pagbabasa ng mga linya, lalo kong napansin ang kagandahan ng mga kahulugan. Ang galeng ng mga bumuo ng panatang ito, grabe! Ang ganda! Bakit kaya ngayon ko lang napansin? Hmm...
Umpisa palang ng linya, giba na ako; "Ini-ibig ko ang Pilipinas" -iba talaga ang dateng sa akin ngayon ng salitang "Ini-ibig" -tindi!
Tapos sabay pasok ng; "Ito ang aking lupang sinilangan". Ewan ko sa iyo pero may diin sa puso ko yung lupa/lugar kung saan ako ay nagmula. Sentimental para sa akin.
Sinundan naman ng; "Ito ang tahanan ng aking lahi". Sa linyang ito madarama mo na mayroon kang mababalikan, --may nag-aantay sa iyong isang tahanan. Ang iyong lahi. Ikaw na kabilang sa isang lipon. Hindi ka nag-iisa. Marami tayo ngunit i-isang uri, at may i-isang tahanan. Wow! Ang sarap sa puso!
Gusto ko pa sanang isa-isahin ang mga linya at magbigay ng aking mga nadarama sa bawat isa, ang kaso ay hahaba na ito. Ngunit gusto ko lang isundot pa ang ilan kong gusto sabihin:
- Ang tindi rin ng pagtatapos na dalawang linya; "...at sisikapin kong maging ISANG TUNAY NA PILIPINO, sa ISIP, sa SALITA at sa GAWA"
- Sa ginawang bagong version ng Panatang Makabayan, hindi ko talaga magustuhan. Walang dateng na tulad ng luma. Estupido para sa akin ang bumago ng version na ito.
Panatang Makabayan ng Pilipinas: old (original) version
Iniibig ko ang Pilipinas.Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.
Panatang Makabayan ng Pilipinas: New (PANGET) version
Iniibig ko ang Pilipinas,Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
Ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas
Ikaw, ano ang mas gusto mo at bakit?
2 komento:
nice blog and nice post post
binago na ang panatang makabayan
sinisimulan narin ang pagpapalit ng pera
ayon sa balita
Paglilingkuran ko ang bayan ng walang pag iimbot at buong katapatan.
Inalis nila ito dahil puro na ganid at mga hindi tapat sa kanilang tungkulin ang mga humahawak ng mga posisyon sa gobyerno, dapat na ibalik ito!
Mag-post ng isang Komento