Bakit nga ba medyo nahihirapan tayo mag-english kapag tagalog ka? Atin ngang suriin...
Sa aking pagsusuri (-eh kasi nga genius nga daw ako eh) at dahil sa sadya nga daw malalim akong mag-isip, biruin mong pumasok sa aking lakbay isip si Master Yoda (ng Star Wars). At napag-ugnay-ugnay ko ang lahat kung bakit hindi madali ang mag-english sa isang tubong tagalog...at sa proseso natuklasan ko tuloy na Pinoy si Master Yoda. "Bold claim yan ah" sabi ninyo. --O di sige patunayan ko.
Magka-iba kasi ang language structure ng English at Tagalog. Subukan nating englishin ang mga ito:
- Tumatakbo ang lalake
- Nahulog ang bobong mandirigma mula sa puno, kung kaya't ito ay umi-iyak
- Kumain ka na ba? Gutom lang yan di ba?
Sa correct english translation eto ang mga yan:
- The man is running
- The foolish warrior fell from the tree that's why he's crying
- Have you eaten? Maybe it's just hunger?
O ngayon, translate natin by structure ha (or word for word):
- Running is the man
- Fallen the fool warrior from the tree, the reason for he's crying
- Eat you have (or did)? Hunger only is it not?
O ano? Ganyan mag-english si Master Yoda diba? --Niyahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento