Mayroon akong suliranin sa ngayon. Iyon ay tungkol sa aking tila mabagal na pag-asenso. Marami ang nagsasabi na ayos na ang aking na-abot, ngunit alam ko, hindi pa ako kuntento. Isa ako sa mga taong tinaguriang may ambisyon. Ang aking ambisyon ay di pangkaraniwan. Gusto kong malaman ang talagang hanganan ng aking kakayahan. Gusto kong umpisahan sa larangan ng aking career. Gusto ko kagad maging manager sa kumpanyang aking pinapasukan sa ngayon. Alam ko, wala akong maysadong problema pagdating sa aking technical skills; mayroon akong magandang background. Ngunit medyo ibang arena ang aking ginagalawan sa ngayon. Ako lang ang asiano sa aming planta. Nagkataon pa na ako ang pinakabata sa aming management team. Kulang sa confidence sa akin ang aming plant manager. Palagay ko'y kasama sa problema ay ang itsura kong bata -at siguro ay kung paano ako magsalita. Palagay ko nga.
Hindi ako ipokrito para sabihing napaka-fluent ko sa ingles. Bakit, ipinanganak ba akong australiano? Buti pa nga ako ay dalawang lenguahe ang aking nasasalita, eh sila? Ayos naman siguro ang aking ingles kung hindi lang sana sila napaka-slang --ako pa tuloy ang hindi nila maintindihan. Tayo kasing mga pinoy nasanay sa american english kaya eto ako nahihirapang magsalita ng australian english. Hirap ako, di ako nagbibiro --ako pa isang ingles mapua!Aking natutunan, kailangan ko magsalita ng fluent dito upang mas maging "fitting" ako sa isang job position na kailangang magsalita sa mga magiging staff. Syempre andyan din ang regular na pakikipag brainstorming sa mga executives. Isang challenge. Atleast ako ay honest kung saan ako magsisimula, hindi doon sa aking ina-akala ngunit doon sa talagang totoo. Kailangan kong i-improve ang aking pananalita maging sa anu mang lenguahe... at alam ko na ang mga paraan. Hindi madadali ngunit kakayanin naman kung talagang ipagpipilitan at hindi susuko.
Ang lesson ay ito: Magsimula sa pagiging honest kung hanggang saan ka lang sa ngayon, at maging honest kung gaano kahalaga ang isang pangarap para sa iyo upang gawin mo ang lahat ng nararapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento