Martes, Pebrero 19, 2008

Lagyan ng Konting Tikas

Matapos ang maraming pagdalo sa mga executive meetings ako ay naliwanagan na kailangan pala ang mga sumusunod para i-improve (o ipakita) ang sariling leadership qualities:

1. Magsalita ng may confidence. Kahit mga 60% ka lang sigurado at hindi naman trahedya ang magiging resulta kung ikaw ay mali, ay bigkasin mo ang bawat salita ng may sense of authority o tinatawag na confidence. Sapagkat ang nakikinig ay sasampalataya lamang kung sa iyo mismo ay namumutawi ang pagkasigurado ukol sa napag-uusapan.
2. Preparasyon ay sadyang tapang na kagad sa dila. Subukan laging i-anticipate ang mga itatanong ng mga dadalo sa meeting at i-rehearse ng pa-ulit-ulit ang mga tamang isasagot. Ito ay lalo na kung ingles ang usapan.
3. Upang hindi nerbiyosin sa meeting, isipin ang dahilan ng "bungie jumping" --Oo, ang meeting ay isa ring thrill seeking exercise, ang maganda hindi mo na kailangan ang magbayad ng pera para umusong ang iyong adrenalin.

Walang komento: