Miyerkules, Disyembre 2, 2009

Ang Lagim ng Ampira


Ito ay mula sa kwento ng aking ina, na ikinuwento sa kanya ng aking lola, na ikinuwento pa ng kanyang ina, na ikinuwento rin ng ina ng ama ng tatay nya sa ikalawang asawa na isa ring malayong pinsan nila...

Galing daw ito sa salaysay ng isang kapitbahay ng nasabing pinsan....


Sadyang bata pa ang kanayunan. Bahay kubo palamang ang madalas na bahay noon. Sa probinsya ng timog katagalugan, isang barangay, na may pagkakaisa. Ang pulisya ay hindi pa ka-usuhan kung kayat ang barangay ay may napagkasunduan laban sa mga magnanakaw. Napagkasunduan na ang bawat bahay ay dapat na mayroong batingaw sa loob ng bahay. Ito ay kakalembangin sa oras ng saklolo lalo pat sa mga nanloloob na masasamang tao.

Isang kalaliman ng gabi, bumatingaw ang kalembang sa isang bagong kapitbahay. Ang buong nayon sabay sabay sumugod sa nasabing bahay, armado ng yantok at pambambong kawayan. Pinaligiran nila ang nasabing bahay, at tinawag ang bagong kapitbahay na nasa loob. Inihanda ang mga sarili upang gapiin ang nanloob.

Saglit na pag-aantay, iglap na lumabas ang bagong kapitbahay. Habang nananakbo palabas, sumigaw sya ng saklolo, "AMPIRA! AMPIRA! AMPIRA!". Isa sa kanayun ang bumalikwas, "INANG KO PO! BAMPIRA DAW!" Sumambulat papalayo ang mga tao, kumaripas ang ilan sa pagtakbo. Ang ilan ay nanatili bagamat may kabog ng takot.
Sumigaw si kapitan sa bagong kapitbahay, "INENG! MAGHUNOS DILI KA. ANDITO KAMI. PUMARITO KA."

Dali dali si kapitbahay kay kapitan. "Ineng, ako ang kapitan dito, ililigtas ka namin. Asan ang bampira?" Hinihingal pa si ineng nang sumagot, "Bampira? Wala naman pung bampira!" "Ha!? Walang bampira?" tanong ni kapitan, "Eh, kala ko ba bampira, bampira, bampira?" Hangos ulit si ineng kamot kamot na ang ulo, di na rin nya napigilan ang pag-iyak upang sagutin ang tanong. Sagot ni ineng,"Ang pira ko po ay nanakaw, kaya po ako sumigaw ng 'Ang pira! Ang pira! Ang pira!".

Kamot narin ng ulo si kapitan, "Ano ba pangalan mo, ineng?". Sagot si ineng, "Nina po". Sabat kagad si kapitan, " Baka Nena!" Lumuluha pa si ineng nang sumagot, "Pwidi rin po"

Niyahahahaha! Get's nyo ba? Ahuhohoho!

Walang komento: