Martes, Mayo 24, 2011

Mga Patotoo na May Milyon sa Legal na Networking

TV interview sa dalawang may-ari ng isang legal na Multi-level Marketing company at ang mga yumaman na sa industriyang ito.

Legal ba ang networking?
Paano malalaman kung hindi scam ang isang Multi-level Marketing company?
Sino-sinong ordinaryong tao na ang mga yumaman dito?

Lahat at ang iba pang katanungan ay sasagutin ng mga videong ito:

PART 1 of 13:



PART 2 of 13:



PART 3 of 13:



PART 4 of 13:



PART 5 of 13:



PART 6 of 13:



PART 7 of 13:



PART 8 of 13:



PART 9 of 13:



PART 10 of 13:



PART 11 of 13:



PART 12 of 13:



PART 13 of 13:



Gusto mo bang subukan ang AIM Global?


Unang hakbang:
Ang unang hakbang ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Business Center Office (BCO) sa inyong lugar.
-------------------------------------------------------------------------------
Para sa mga taga-Pilipinas: 

Para sa mga taga-Australia: 
Tawagan nyo po ako, Joemar Lacson sa +61 3 9016 0143

Para sa mga taga-ibang bansa:
-------------------------------------------------------------------------------

Ikalawang hakbang:
Sumali sa libreng seminar (Opportunity Plan Presentation)

Ikatlong hakbang:
Bumili ng Global Package/s sa inyong BCO.

Ika-apat na hakbang:
Ipagbigay alam na kayo ay nakabili na ng Global Package(s) sa +61 413 790 128 (Australia)
o sa +63 908 200 4690 (Philippines) upang kayo ay matulungan sa pagrerehistro ng tama.

O kaya naman ay i-email nalang sa:  encode@aimglobalproducts.com upang kayo ay matawagan ng libre sa inyong pagrerehistro.

Importante!
Kung alam na ninyo ang mag-encode, wag lang pong kalimutan na ilagay bilang sponsor at upline ang: JA049195 para kay Kharol Sanchez







Linggo, Setyembre 12, 2010

Paruparong Bukid

Itong mga nakakaraang panulat tayo ay nagsaling wika sa tagaog at ingles, nagpanata rin tayo hindi ba?

Ngayon naman ay subukan naman nating kumanta.

Kantahin natin ang "Paruparong Bukid". O ano kabisado mo pa rin ba ito? Sige nga iyo ngang kantahin.

Ang totoo hindi ko talaga kabisado ang lyrics noon pa man. Aminin ko din na noon ay parang "bakya" ang dating sa akin. Pero ngayong malaki na ako, --hu-wow! In-love na rin ako sa kanta. Ang ganda pala ng kantang ito ngayong marunong na akong mag-appreciate -hahaha! Lalo pa't narinig ko na parang opera ang dating. O sige gawin kong madali ngayon, nasa baba ang lyrics, subukan mong kantahin ha bago mo panoorin ang susunod na video.

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng. 



Ngayon naman ay panoorin mo na ang video sa baba. Ang mga kumanta ay mga banyagang Amerikano, pero ang gagaling nila!




Ilang taon ka na ba? Kung ikaw ay bata pa, marahil (--wow lalim ng tagalog ko!) ay hindi mo alam na si Nora Aunor ay isa munang singer bago naging artista. Narinig mo na ba syang kumanta? Sa baba ay sample ng kanyang talento sa pagkanta ng isa sa ating folk song --na walang iba kundi ang Paruparong Bukid!



O ano? Ano ang masasabi mo? Ang sarap maging Pilipino ano!

Teka. Teka lang. Umi-iral na naman kasi ang kalokohan ko. Gusto ko syang i-translate sa english. Di ko pa alam kung anong style ng english. Ala Master Yoda ba or proper english? Bahala na!

My english translation in blue text:


Paruparong Bukid
Butterfly of the Rice Field

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Butterfly of the rice field flying over and over
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Amidst the path fluttering
Isang bara ang tapis
One span the scarf
Isang dangkal ang manggas
One palm-wide the sleeve
Ang sayang de kola
The skirt fold-able
Isang piyesa ang sayad
One piece its ends drag
May payneta pa siya — uy!
With a hair pin she wears --wow! 
May suklay pa man din — uy!
With a comb as well --wow!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Decorated half slip to show off
Haharap sa altar at mananalamin
Facing the altar and looks in the mirror
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
And then she walks with hips swaying.


O ano? Bilib ka na? Haha! Ang papuri ay hindi lahat sa akin dahil tinulungan din ako ng aking ina sa pag-translate.

Kung gusto mo ring makita ang isang magandang translation tignan mo rin ito: Paru-parong Bukid (English translation) « Ecology, technology and social change

Martes, Setyembre 7, 2010

Ang Panatang Makabayan

Nasa ibang bansa ka ba ngayon? Ako, oo...

Maraming taon na rin pala. Sampung taon na pala yun...

Mga ilang araw na nakalipas lang sa bahay ng isang kaibigan kong pilipina dito, nagkapulong ang munting barkada. Matagal na rin silang nakatira dito sa banyagang bansa. Sa gitna ng katuwaan, naghamon ang isa, "Kabisado nyo pa ba ang Panatang Makabayan?"

Dalawa hanggang tatlong linya lang ata ang nakaya naming ma-alala. Eh ikaw kaya? Sige nga subukan mong sabihin ng buo ang Panatang Makabayan ngayon.

Ako aaminin ko, medyo nahiya ako sa sarili noong mga oras na iyon  na hindi ko na kabisado. Mas makabayan ka pa kaya sa akin sa tingin mo? Subukan mo nga ulit sabihin ang nasabing panata. Sana ay makumpleto mo na...

Biruin mo, paano kong nalimutan ang lagi nating binibigkas mula Elementary hanggang sa matapos ang Highschool? At ngayon ngang gusto kong muling ma-alala ang buong panata, lalo kong na-appreciate ang bawat salita na inilagay doon. Mas makahulugan at madamdamin na sya ngayon para sa akin, ewan ko ba...

Ngayon sa aking pagbabasa ng mga linya, lalo kong napansin ang kagandahan ng mga kahulugan. Ang galeng ng mga bumuo ng panatang ito, grabe! Ang ganda! Bakit kaya ngayon ko lang napansin? Hmm...

Umpisa palang ng linya, giba na ako; "Ini-ibig ko ang Pilipinas" -iba talaga ang dateng sa akin ngayon ng salitang "Ini-ibig" -tindi!

Tapos sabay pasok ng; "Ito ang aking lupang sinilangan". Ewan ko sa iyo pero may diin sa puso ko yung lupa/lugar kung saan ako ay nagmula. Sentimental para sa akin.

Sinundan naman ng; "Ito ang tahanan ng aking lahi". Sa linyang ito madarama mo na mayroon kang mababalikan, --may nag-aantay sa iyong isang tahanan. Ang iyong lahi. Ikaw na kabilang sa isang lipon. Hindi ka nag-iisa. Marami tayo ngunit i-isang uri, at may i-isang tahanan. Wow! Ang sarap sa puso!

Gusto ko pa sanang isa-isahin ang mga linya at magbigay ng aking mga nadarama sa bawat isa, ang kaso ay hahaba na ito. Ngunit gusto ko lang isundot pa ang ilan kong gusto sabihin:

  1. Ang tindi rin ng pagtatapos na dalawang linya; "...at sisikapin kong maging ISANG TUNAY NA PILIPINO, sa ISIP, sa SALITA at sa GAWA"
  2. Sa ginawang bagong version ng Panatang Makabayan, hindi ko talaga magustuhan. Walang dateng na tulad ng luma. Estupido para sa akin ang bumago ng version na ito.


Panatang Makabayan ng Pilipinas: old (original) version
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.

Panatang Makabayan ng Pilipinas: New (PANGET) version
Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
Ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan:
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas

Ikaw, ano ang mas gusto mo at bakit?

Lunes, Setyembre 6, 2010

Anak ng Tinola, Si Master Yoda ay Pinoy pala!

Kahapon sa isang Facebook post ng isa kong kaibigan ako ay napag-isip-isip. Sa kanyang post ay binanggit nya ang kanyang pagka-inis sa kanilang group emails sa trabaho. Sumasakit daw ang kanyang mukha sa kababasa dahil puros naman daw wrong grammar ang mga inglisan (englishan) --eh bakit hindi nalang daw kasi mag-tagalog para lalong mas ma-intindihan. (Dont worry brother, I can relate with your situation)

Bakit nga ba medyo nahihirapan tayo mag-english kapag tagalog ka? Atin ngang suriin...

Sa aking pagsusuri (-eh kasi nga genius nga daw ako eh) at dahil sa sadya nga daw malalim akong mag-isip, biruin mong pumasok sa aking lakbay isip si Master Yoda (ng Star Wars). At napag-ugnay-ugnay ko ang lahat kung bakit hindi madali ang mag-english sa isang tubong tagalog...at sa proseso natuklasan ko tuloy na Pinoy si Master Yoda. "Bold claim yan ah" sabi ninyo. --O di sige patunayan ko.

Magka-iba kasi ang language structure ng English at Tagalog. Subukan nating englishin ang mga ito:

  1. Tumatakbo ang lalake
  2. Nahulog ang bobong mandirigma mula sa puno, kung kaya't ito ay umi-iyak
  3. Kumain ka na ba? Gutom lang yan di ba?
Sa correct english translation eto ang mga yan:
  1. The man is running
  2. The foolish warrior fell from the tree that's why he's crying
  3. Have you eaten? Maybe it's just hunger?
O ngayon, translate natin by structure ha (or word for word):
  1. Running is the man
  2. Fallen the fool warrior from the tree, the reason for he's crying
  3. Eat you have (or did)? Hunger only is it not?
O ano? Ganyan mag-english si Master Yoda diba? --Niyahahahaha!